2012-010 - Ano ang tinatawag na pag-ugnay o ang umu-ugnay?
Ang pag-ugnay ay ang kalagayan ng pagtanggap at pakiki-isa na maaaring mangyari sa mga nilikhang may buhay maging sa mga hayop man, sa mga kaibigan at kamag-anak, mga kamag-anak na lumisan na, mga espiritung nasa mataas na antas ng kawagasan (highly evolved spirits), mga bahagi ng ating pagkatao o kaya ay mga bahagi ng ating sarili na nasa mataas na antas na ating nakakaligtaan (I Am Presence).
Kapag sinadya ang pakikipagniig o pakikipag-ugnay, ating pinalalawak at pinahahaba ang mga sandali na tayo ay nakikibahagi sa isang realidad ng isang likha (tao) at di-likha (espirito), isinaisangtabi natin ang ating sarili ay maki-isa sa isang espirito o nilikha sa isang pinahabang panahon o sandali.
Lahat tayo ay nakagagawa ng bibrasyon o tunog habang ang molekula sa ating katawan ay gumagalaw sa ating kakaibang huwarang henetiko (genetic pattern). At lahat ng mga nilikhang may buhay ay may kanya-kanyang prikwensya ng bibrasyon (vibrational frequency). Kapag tayo ay nakiki-ugnay at nakiki-isa sa ibang nilikha, ang ating kakaibang bibrasyon ay magkapanabay (synchronized) at tayo ay sabayang nagkakaroon ng bibrasyon.
Tignan rin: Batas ng Pababalani (Law of Attraction)