Ipinapakita ang mga post na may etiketa na samot-sari. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na samot-sari. Ipakita ang lahat ng mga post

2023-09-15

2012 Q& A

2012-010 - Ano ang tinatawag na pag-ugnay o ang umu-ugnay?

Ang pag-ugnay ay ang kalagayan ng pagtanggap at pakiki-isa na maaaring mangyari sa mga nilikhang may buhay maging sa mga hayop man, sa mga kaibigan at kamag-anak, mga kamag-anak na lumisan na, mga espiritung nasa mataas na antas ng kawagasan (highly evolved spirits), mga bahagi ng ating pagkatao o kaya ay mga bahagi ng ating sarili na nasa mataas na antas na ating nakakaligtaan (I Am Presence). 

Kapag sinadya ang pakikipagniig o pakikipag-ugnay, ating pinalalawak at pinahahaba ang mga sandali na tayo ay nakikibahagi sa isang realidad ng isang likha (tao) at di-likha (espirito), isinaisangtabi natin ang ating sarili ay maki-isa sa isang espirito o nilikha sa isang pinahabang panahon o sandali.

Lahat tayo ay nakagagawa ng bibrasyon o tunog habang ang molekula sa  ating katawan ay gumagalaw sa ating kakaibang huwarang henetiko  (genetic pattern). At lahat ng mga nilikhang may buhay ay may kanya-kanyang prikwensya ng bibrasyon (vibrational frequency). Kapag tayo ay nakiki-ugnay at nakiki-isa sa ibang nilikha, ang ating kakaibang bibrasyon ay magkapanabay (synchronized) at tayo ay sabayang nagkakaroon ng bibrasyon.

Tignan rin: Batas ng Pababalani (Law of Attraction) 

 

2022-12-31

Samot-Sari-2012-2022

2022-05-22

Kapayapaan at kaliwanagan sa bansang Pilipinas, sa sandaigdigan, magandang buhay po.

Misyonero isang tao na naghahandog na pagbabahagi sa umagang ito.


Sa buhay ng tao laging kaakibat ang isang pangarap, pagnanasa, adhikain na ibig niyang gawin, lakaran at matamo.

At ang mga ito ay kanyang tinitignan, nananampalataya na may magandang kinabukasan na sa kanya ay nakalaan.

Ang pangarap, adhikain ay tulad ng mga baitang ng hahakbangin, may ipagpapatuloy at mayroon huling baitang, ang hangganan na kanyang tutungtungan.

Ang pagnanasa naman ay siyang dahilan upang ang tao ay gawing, lakaran at tamuhin ang kanyang pangarap.  Ito ang nakabubuo ng lakas sa isang sarili dahil dito sumisibol ag pag-asa bagaman at hindi pa nakikita ang sa kanya ay magaganap.

Sa pagpapatuloy, pagsisikhayan  ng tao na sampahin ang unang baitang mula sa pinakamaliit at piakamababaw ng kakayahan.

Ang pangnanasang makatuntong sa unang baitang ang hagdang na siyang gigising, isang apoy upang itulak ang tao na makasampa sa iniinbig na mangyari, kaalinsabay na adhikain.

Sa kanyang pagsampa, ang tao binubuo ang kanyang pananalig " kaya ko ito, hindi ako pababayaan ng isang Amang Makapangyarihan" sapagkat ito ay dumating na sa kanyang kaunawaan at kamalayan.

Subalit sa pakikipamuhay sa lupa, dalawa ang larawang ibinibigay sa tao: ang karagatan at ang bundok.  Kapag payapa ang buhay, ang daloy ng tubig sa karagatan ay mahinahon at kapag naliligalig ang daloy ay nagiging marahas, malalaking alon.


Ang bundok ay sagisag ng pasaning dala-dala ng tao, makutim na kalooban, damdaming maligalig, bundok na kinakailangang maalis o ilipat sa kabilang ibayo ng  dagat.

Sino nga ba ang hindi magmimithi o asamin na ialais oilipat sa kabilang ibayo upang maibsan ang dala-dalahan?

Subalit paano magagawa ng tao ang pagbabago, paano gagaan ang pasanin? Hindi niya ito magagawa kung walang kaalaman at karungungang may pag-ibig.  Hindi rin baga siksik at liglig ang mga kaalamang lagi nang ibinababa sa karapan ng mga mag-aaral?  

Ang kaalaman at karunungan ay matagal ng naipagkaloob sa mga araling mula sa kabatlayaa.  Ang mga ito ay maliliit na butil na sa sandaling ito ay gamitin ng tao ay nagkakaroon ng lakas o kapangyarihan uupang ang bagay na namithi o inasam ay ilagay sa pagsasagawa.  Dito pumapasok ang mga araling itinuro ukol sa pananampalataya na siya ring sagisag ng paggawa.


Kapag ang pananampalataya ay walang buhay, ito ay walang kabuluhan sapgkat hind isinasagawa ag kaalamang matagan nang nasasa mga isipan nt mga tao


Nasaan ngayon ang kapangyarihan ng mailipat sa gaan ang bigat ng dala-dalahan?  Paano pupusag ang isang sarili, paano titindi mula sa pagkadapa?  Hindi gumigising.  Ano mga ba ang kasabiha ng  iba, yung "natutulog sa pansitan."

Kailangan iangat ang kamalayan magpakakatag, magpakalinis ayon sa kaalamang natutunan upang magtagumpay ang adhikain ng isang Espiritu



 

 


(Abotsabi 10-17-93- Propeta Uriel)

Bago sumapit ang takdang sandali ng inyong pakikipag-ugnay, nawa ay nasa sa inyong puso na ang inyong sariling paghihintay nawa ay malimutan na ninyo ang mumunting pagkakasala ng inyong mga kapatid, napatawad na ninyo ang sa inyo ay nagkasala, nabigyan na ninyo ng magandang pag-asa ang mga nalulungkot at nagdudusa, naging mabuti kayong kahinlog ng inyong mga kabiyak, naging mabubuting anak ng inyong mga magulang, lalong lalo na ang mga kabataan kung mayroon man kakulangan ang inyong layunin, samakatwid, kahit saan dadalhin mo sa iyong sarili sa isang likas at taimitm na pakikipag-ugnay sa kaitaasan.

 

2012-008 

Alam ba ninyo kung ano ang tinatawag na talaytayan?

Bahagi ng talaytayan ay ang kaangkinan ng isang kaluluwa. Ito ang mensahe. (Abotsabi 12/1/93 –Arkanghel Rafael) 

Ang isang talaytayan ay tagapamagitan ng kaitaasan at kalupaan. Mula sa Diyos, Espiritu at Katotohan. Ito ang daan upang ang diwa ay inu-ugnayan ng liwanag.

Ang diwa na may kalagayan ng napali at napanday na sa naunang buhay na dinaanan: bawa’t danasin ay karunungan at bawa’t karunungan ay tiisin. Ang paggamit ng puting roba ng mga talaytayan. Sa diwa, ang puting damit ay ang kalinisan ng pag-iisip, kadalisayan ng mithiin na maging kasangkapan na maging mabuti.

“Ang kay Caesar ay kay Caesar, ang sa Panginoon ay sa Panginoon.” Ito ay inu-ugnay sa talaytayan.

Ang anumang uri ng kulay ng damit ay walang kinalaman o saligan ng isang kaluluwa sapagka’t ito ay materyal lamang.

Kahalagahan ng talaytayan

Sa pamamagitan ng talaytayan ay nagkakaroon ng ugnayan ng diwa sa kapwa diwa, kabuuan ng pag-iisip, damdamin at kalooban. Kapag walang katahimikan, walang kapayapaan, at kung walang kapayapaan, walang katalinuhan.

Paghahanda

Hindi lamang isang araw bago tumupad ng tungkulin ang pagahahanda , kungdi sa buong sandali at kalagayan ng isang talaytayan. Ang mga suliranin at pagsubok, tiisin at pakikipag-ugnay. Paghahanda ng isang talaytayan ay sa pamamagitan ng paglilinis ng tatlong kaangkinan, pagpapadalisay pagpapakabuti sa kaugalian ay hindi isinasagawa sa isang araw lamang upang magkaroon ng pagsulong ang kanyang karapatan.

Bilang patotoo ng tungkulin ng mayroon ng mabigat na pananagutan  ng mga talayatayan ay isa sa mga haligi ng isang samahan. Katulad ng haligi ng isang tahanan na kapag ang haligi ay matatag, ang bahay ay matatag. Kung ito ay mahina ang bahay ay mahina rin.

Alalayan, bantayan ang mga talaytayan- ang bawa’t pagkakamali na inyong makita, bilang pag-ibig ibigay ninyo upang mapag-aralan at maituwid ng kanyang sarili. May nagbibigay at may tumatanggap mahalaga ang pagsisikap ng lahat upang hindi saktan ang damdamin, kung hindi upang siya ay itayo, pakinisin at patibayin.

Ang mga talaytayan ay kailangang maging maingat may mga bahagi ng karunungan na di kailangan agad na lulunukin sapagka’t kayo ay mabibilaukan. Dapat ito ay pinag-aaralang mabuti, tulad ng pagkain na kailangang nguyain upang maging pino.

Matutuhan ninyong ibigay ng buong buo ang inyong sarili na hindi magkukulang ang bahagi ng laman. “Ang lahat ay ibibigay, humiling ka sa Kanyang pagpapala.”

Natatakot ba kayong magutom? Ang tumutupad ng tungkulin ay hindi natatakot tumupad ng tungkulin o walang kinatatakutan. Ang nagbibigay ay may matatanggap, ang kailangan lamang ay hawakan ang kanyang sarili sapagka’t “hindi kayo nag-iisa, wala kayong magagawa kungdi ang makakapit sa puno ng ubas.”

Lahat ng iyan ay umiikott sa buhay kahapon, sa buhay ngayon, at sa hinaharap. Kailangan ang paghahanda kahapon, ngayon at sa hinaharap. Hawakan ang kabuuan upang huwag lumihis patungo sa daan ng kaliwanagan.

Ang mga nakikinig. Ang mga nakikinig ay may lakas na ibinibigay upang maging wasto at mapayapa ang kaisipan ng bawa’t isang nakikinig. Kung ibig tulungan ang isang gumaganap na talaytayan. Mag-ambil ng panalangin:

“Nawa ay masupil ng talaytayan ang katawang lupa sa sandali ng kanyangpagtupad.”

Na sa patanggap ng isang nakikinig ng karunungan ay itanong niya sa kanyang sarili, “saan ka dinala, sa kaliwanagan o sa isang ang kaliwanagan ay tinatakpan?”

 

 

2012-001 

Alam ba ninyo kung ano ang Kaluluwa?

Marami ang opinyon tungkol sa kaluluwa. Aking ibibigay ang iba at ibang pagkukuro upang buhat dito ay magkaroon ang bumabasa ng kanyang sariling pagsasaliksik at makabuo ng isang magandang larawan kung ano ang isang kaluluwa para sa kanya.

Ang kaluluwa ay siyang prinsipyong buhay ng katawang laman. Ang sabi ng iba, ang kaluluwa ay hindi sumibol sa kanyang sarili at mawawala rin kapag ang katawang laman ay mamatay. Ang wika ng mga taong naniniwala sa materyalismo ang kaluluwa ay kasanhian (effect) at hindi ang kadahilanan (cause).

Ang ibang panig ay nagsasabing ang kaluluwa ay siyang prinsipiyo ng karunungan, isang karunungang unibersal (universal agent) na kung saan lahat ng taong nilalang ay napagkalooban ng isang bahagi. Ayon sa kanila, sa buong uniberso ay mayroon lamang isang kaluluwa na siyang namamahagi ng talsik ng kanyang kaluluwa sa lahat ng mga nilalang na may talino, sa kanilang kabuhayan; ang bawat talsik na ito, sa kamatayan ng nilalang na iyon ay mabubuhay at babalik sa kanyang pinanggalingan at ito ay muling sasama sa kabuuan ng isang kaluluwa. Tulad ng isang ilog, na babalik sa dagat na kanyang pinagmula. Kaya nga sa kamatayan, ang paniniwala ay nawawala na ang pagkilala sa sarili. Ayon sa kanila, ang isang Pangkalahatang Kaluluwa (Universal Soul) ay ang Diyos at ang bawat nilikha ay may bahagi ng pagka-Diyos.

At sa pangkat ng Spiritualist naman, ang isang kaluluwa ay isang nilalang ng kabutihan (moral being) hiwalay at walang kaugnayan sa materya at ang kaluluwa na napapanatili ng kanyang indibiduwalidad sa kamatayan. Ang pagtanggap ng salitang “kaluluwa” ay siyang pangkalahatang tinatanggap sapagka’t bagaman at iba iba ang katawagan, ito pa rin ang tinutukoy sa isang nilalang na nabubuhay sa pagkamatay ng isang katawang-laman. At ang doktrinang ito ay siyang ginagamit sapagkat sila ay naniniwala na ang kaluluwa ang kadahilanan (cause) at hindi kasanhian (effect).

At dahil may tatlong pangkat na nagkakaiba sa kung ano ang kaluluwa, kung kaya at tatlo rin ang ibig ipakahulugan ayon sa katuruan kung kaya at upang matanggap ng higit na nakararami ang salitang “kaluluwa” ay tatawagin kong isang nilalang (being) na walang anyo at hugis at isang indibiduwal na nilalang (individual being) na nananahan sa atin, at walang kamatayan.