Ipinapakita ang mga post na may etiketa na mga aral-1998. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na mga aral-1998. Ipakita ang lahat ng mga post

1998-12-31

Mga Aral-1998

Enero 24, 1998


LVS:  Dakilang Amang Makapangyarihan,  Amang Banal na Siyang may gawa sa lahat ng bagay.  Sa gabi pong ito ay narito ang Inyong anak na makikipag-aral tungkol sa kabutihan, karunungan at kabanalan upang siyang maipamahagi sa mga ibang kapatid na nangangailangan.


Unang-una po ay tungkol sa mga bahagi ng aking katawan na mga nagkakaroon ng pananakit.  At naisip ko rin po na hindi maaaring magpadaig sa  laman at bagkus ay ipagpapatuloy ang pagsupil sa pintiging panlaman at manatiling nananampalataya at ito ay bakahin.


Magandang gabi sa iyo, aking minamahal na kapatid!  Ako ang iyong tagapatnubay ang nagbibigay ng mga pagkukuro upang magkaroon ng pagpapalitan ng mga kaalaman sa gabing ito.  Ako ang iyong kapatid na si Geronimo de Guia na siyang  pinagkalooban ng Amang Banal ng pagkakataon na makipag-aral sa iyo.


Kapatid na Letty, malaki na ang iyong pinagbago sa mga nagdaang panahon na bagaman at hindi ka dumadalaw sa Centro ay palagi kang nakikipag-aral sa mga sandali ng iyong kapayapaan at pamamahinga.  At batid mo rin naman na marami ang iyong pagkatisod sa mga nagdaang panahon.  Bagay na dapat mong ikatuwa dahil sa nasukat mo ang kalagayan ng iyong sarili. 


Nagagalak ako kapatid, at kahit na papaano ay nagsisikap ka pa rin subali't masdan mo ang isang senario; ang iyong gawain sa paaralan, at kung hindi mo maibabalik sa dati ay maaaring  magbigay ng isang alalahanin.  Sa ibang mga bagay ay namamalas kong kaya mo nang dalhin ang ilang mga bagay na nanga- ngailangan ng iyong masusing pag-aaral at desisyon.

Sa nakaraang Seminar sa IT, talagang dito patungo ang mundo ng mga hugis, anyo at kulay.  At kayo ay mapipilitan sa ayawin ninyo man o gustushin sapagka't lalo kayong mapag-iiwanan ng panahon.  Wika nga nandito na ang tagisan ng talino sa paggamit ng computer, sa pangangalakal at sa marami pang kagamitan nito.

At ikaw ay may bahagi dito kung kaya at nagkakaroon ka ng pagkakataon na makadalo sa mga seminars.  Nawa ay matutunan mong maipamahagi sa mga nanganganilangan nito ng may katapatan sa iyong sarili na bagaman at malaki ang iyong puhunan ay huwag mo itong intindihin.

Ang nagpupundar ay may aanihin pag dating ng tamang panahon at dagdagan mo pa ang mga pagpundar sa mga bagay na pang-espirituwal.  Lakasan mo ang iyong loob at pananalig na ang lahat ng iyan ay maluwag na ipagkakaloob sa iyo pati ng mga panggagalingan ng salapi para matutustusan ang iyong pangangailangan.

Ganyan nga, mahal na kapatid, ang lakas ng loob na nagwiwikang ang Ama ay tunay na mapagpala sa espirituwal at pinansiyal at nakita mo ang patunay sa mga ilang araw na darating.  Tama ang iyong pakiramdam at sinunod mo ang iyong "intuition", nakinig ka sa tinig sa ilang sapagka't matagal nang dapat subali't kulang sa pagkilos at pananalig.


Magkakaroon ng kasagutan at katugunan ang iyong matagal nang inaadhika sapagka't ang iba ay napagkalooban din at ikaw ay karapatan din, malinis na paraan at patas sa iba ang labanan.


Sa iyong magiging mga tagumpay, unahin mo ang kapakanan ng ibang tao, bago ang sarili.  Maging kasangkapan ka ng hustisya at hindi ng panggigipit, subalit maging matalino sa mga lalong magiging abusado at tamad.


Sa bawat hakbang ay alalahanin mo ang Dakilang Mapagpala at sinabi mong ikaw ay kasangkapan  Niya sa pamamahala ng mga bagay na pinansiyal at ang pinansiyal ay kasangkapan mo sa iyong pagtupad ng tungkulin, isang pagkakataong ibinigay sa iyo ng Ama upang higit mong magampanan ang iyong mga tungkulin.


Alam mo naman ang pamamaraan kung papaano mo ito hahawakan at sisinupin sapagka't ito ay para sa lahat at ikaw lamang ang tagapamahala.


Marami ang walang ipagpa-aral, marami ang walang mapasukan, marami ang walang mauwian, maraming matandang palaboy, marami ang walang pambayad sa ospital ni maipangtawid sa kanilang kagutuman at sila ang una mong iisipin bago ang iyong sarili sapagka't hindi pinabayaan ng Ama sa mahabang panahon.


Sa iyong tapat na paglilingkod ay nandoon ang kabayaran, ang maalwang kabuhayan.



Huwag kalilimutan at laging pagkatandaan ang kababaang-loob na higit na kailangan, katalinuhang may pag-ibig at pananampalataya na may kalangkap na paggawa, at paggawa na may kalangkap na pag-ibig.


Salamat sa iyong pakikipag-aral sa gabing ito, at salamat sa Ama sa pagkakataong tulad nito.  Isang magandang gabi muli, at nawa sa pagtulog mo ay makapulong mong palagi ang mga banal na alagad ng Ama na siyang susubaybay sa iyo sa mga sandaling iyon.


Sa isang sabado 10:00 ng gabi ay muli kang makipag-aral at subukan ang iyong sarili kung magagawa mo ito na maging palagian.


Dakilang Amang Makapangyarihan, salamat po sa Inyong ipinagkaloob na pag-aaral.



1998-01-24 GERONIMO DE GUIA


Magandang gabi sa iyo aking minamahal na kapatid!  Ako ang iyong tagapatnubay ang magbibigay ng mga pagkukuro upang magkaroon ng pagpapalitan ng mga kaalaman sa gabing ito.  Ako ang iyong kapatid na si Geronimo de Guia na siyang pinagkalooban ng Amang Banal ng pagkakataong na makipag-aral sa iyo.


Kapatid na Letty, malaki na iyong ipinagbago sa mga nagdaang panahon na bagama't hindi ka dumadalaw sa Centro ay palagi kang nakikipag-aral sa mga sandali ng iyong kapayapaan at pananalangin.  At batid mo rin naman na marami ang iyong pagkatisod sa mga nagdaang panahon.  Bagay na dapat mong ikatuwa dahil sa nasukat mo ang kalagayan ng iyong sarili. 

Nagagalak ako kapatid at kahit na papaano ay nagsisikap ka pa rin subalit masdan mo ang isang senaryo, ang iyong gawain sa paaralan, at kung hindi mo maibabalik sa dati ay maaaring magbigay ng isang alalahanin.  Sa ibang mga bagay ay namamalas kong kaya mo nang dalhin ang ilan mga bagay na nangangailangan ng iyong masusing pag-aaral at desisyon.

Sa nakaraang seminar sa IT, talagang dito patungo ang mundo ng mga hugis, anyo at kulay  at kayo ay mapipilitan sa ayawin ninyo man o gustuhin. Sapagka't lalo kayong mapag-iiwanan ng panahon.  Wika nga nandito na ang tagisan ng talino sa paggamit ng computer, sa pangangalakal at sa marami pang kagamitan nito.


At ikaw ay may bahagi dito kung kaya't nagkakaroon ka ng pagkakataon na makadalo sa mga seminars.  Nawa ay matutuhan mong maipamahagi sa mga nangangailangan nito ng may katapatan sa iyong sarili na bagama't malaki ang iyong puhunan ay huwag mo itong intindihin.

Ang nagpupundar ay may aanihin pagdating ng tamang panahon at dagdagan mo pa ang mga pagpupundar sa mga bagay na pang-espirituwal at nakita mo ang patunay sa mga ilang araw na darating.  Tama ang iyong pakiramdam at sinunod mo ang iyong "intuition", nakinig ka sa tinig sa ilang sapagkat matagal nang dapat subalit kulang sa pagkilos at pananalig.

Magkakaroon ng kasagutan at katugunan ang iyong matagal nang inaadhika sapagkat ang iba ay napagkalooban din at ikaw ay may karapatan din, malinis na paraan at patas sa iba ang labanan.

Sa iyong magiging mga tagumpay, unahin mo ang kapakanan ng ibang tao, bago ang sarili.  Maging kasangkapan ka ng hustisya at hindi ng panggigipit, subalit maging matalino sa mga lalong magiging abusado at tamad.

Sa bawat hakbang ay alalahanin mo ang Dakilang Mapagpala at sinabi mong 

ikaw ay kasangkapan Niya sa pamamahala ng mga bagay na pinansyal at ang pinansiyal ay kakasangkapanin mo sa iyong pagtupad ng tungkulin, isang pagkakataong ibinigay sa iyo ng Ama upang higit mong magampanan ang iyong mga tungkulin.


Alam mo naman ang pamamaraan kung papaano mo ito hahawakan at sisinupin sapagkat ito ay para sa lahat, ikaw lamang ang tagapamahala.


Marami ang walang ipagpapa-aral, marami ang walang mapasukan, marami ang walang mauwian, maraming matandang palaboy-laboy,  marami ang walang ipambayad sa ospital ni maipangtawid ng kanilang kagutuman at sila ang una mong iisipin bago ang iyong sarili,  sapagkat hindi ka pinababayaan ng Ama sa mahabang panahon.


Sa iyong tapat na paglilingkod ay nandoon ang kabayaran, ang maalwang kabuhayan.


Huwag kalilimutan at laging pakatandaan ang kababaang-loob na higit na kailangan, katalinuhang may pag-ibig at pananampalataya na may kalangkap na paggawa, at paggawa na may kalangkap na pag-ibig.


Salamat sa iyong pakikipag-aral sa gabing ito, at salamat sa Amang sa pagkakataong tulad nito.  


Isang magandang gabi muli at nawa sa pagtulog mo ay makapulong mong palagi ang mga banal na alagad ng Ama na siyang susubaybay sa iyo sa mga sandaling iyon.


Sa isang sabado 10:00 ay muli kang makipag-aral at subukan ang iyong sarili kung  magagawa mo ito na maging palagian.


1998-01-31- Geronimo de Guia


Dakilang Amang Makapangyarihan, naririto po ang inyong anak na nakikipag-aral sa mga Banal Mo pong alagad na Iyong sinugo upang ipagpatuloy ang nakaraang pag-aaral.


Mahal na kapatid na Letty Sarabia, napakaganda ng iyong pag-aaral kanina tungkol sa buhay espiritwal at kahit paano ay mayroon na kayo ng kaliwanagan.  Ang iyong sapantaha ay may katuturan subalit sa pag-aaral ay mayroon pa kayong natutuklasan.  Kailangan lamang ninyong buksan ang ganyang “topic” sapagkat mayroon at  mayroong kaalamang maidaragdag.


Ang tungkol sa pagsansala ng pagbubuntis ng isang ina ay batid ninyo na ang kahihinatman sapagkat ang hindi nagpaubayang maging kasangkapan ay darating ang panahong hindi rin pau-unlakan at dito  mararamdaman ang lalong kirot ng pakiramdam.


Ngayong natanggalan ng lambong ang matagal nang pinagdedebatehan ng maraming tao, may mga panuntunan ka na sa pamamaraan kung papaano maituro o maikalat ang banal na aral tungkol sa ika-5 utos ng Diyos. Kung ikaw ay bigyan ng pagkakataong maituro ito sa mga mag-aaral lalo at higit sa paghubog ng kanilang values, narito ang iyong purpose kung bakit ka isinilang sa mundo.  (1)


Una, ang katawang laman ng isang nilikha ay kasangkapan ng isang espiritu, at may katuwiran nga ang batas ng magnetismo.  Ang isang espiritu na angat ng kaunti sa iba ay nangangailangan ng isang tahanan (katawang laman) na maaaring mag-adapt sa pagka-angat ng kalagayan ng isang espiritu. Bilang pag-aaral, batid ninyong kapag ang espiritu ay hindi susulong sa isang katawang laman ay maaari itong maging sanhi ng kanyang kamatayan.


Sikapin, sa pagtupad ng tungkuling maging isang kasangkapan ay pakinggan at sundin ang dikta ng espiritu at hindi ang pita ng laman.  Sapagka't dito nakasalalay  ang pag-igsi at paghaba ng buhay ng isang nilikha.  May mahabang buhay na puro dusa at lungkot, at may maigsing kabuhayan na naging masaya.


Habang ang isang laman ay gumaganap ng kanyang tungkulin ang magpakabuti, magpakasakdal, magpakabanal ang pokus ng kanyang atensyon ay ang ingatan ang espiritung nasa kanya.  Ang ibig bagang sabihin ay sikaping ituwid ang landas nang sa gayon ay kaunti na lamang ang mga pagkatisod.


Sa iyo kapatid ng Letty, batid na magiging mahaba ang iyong buhay, hindi bilang parusa kung hindi ang pag-aalay ng katawang laman upang sumulong ang isang espiritu.  At nandyan ang isang pangako at pangarap, ang bawian ng buhay sa larangan ng pagtupad  ng tungkulin.  Hindi upang manakot sa mga maabutan kung hindi isang mapayapa at maalwang paglisan.  Ang tapat na paglilingkod sa Espiritu ay kaluwalhatian sa kabilang dako ng buhay.


Ang sa akin, kapatid, ay mag maintain  ka ng iyong stand at ito ang magbubunsod sa iyo sa mga maraming mga pagbabago sa iyong sarili.  “Ako ay patungo sa kabanalan kung kaya't walang sinuman o anoman ang sa akin ay makapipigil.”


Ako ay magpapa-alam sa iyo, mahal na kapatid, pansamantala upang ibigay ang kuro-kuro ng isang kapatid na pinagkalooban ng Amang Banal.  Ang iyong kapatid at tagasubaybay... 





1998-06-23


May magandang aralin ang aking namasdan sa mapalad na umagang ito. Sa aking pakiramdam ay isang badya ng pagkabukas ng isang nilalang na nanatili sa gayong kalagayan. Dito ko nasubok ang aking damdamin tungkol sa bagay na kung ang kabuhayan ay bawiin, ano na ito sa aking buhay? Nawa ay hindi naman maganap sapagkat ito ay pangangailangan ng laman, subali't dahil dito mabubuksan ang isang kaunawaan na ang salapi at panahon ay dapat gugulin sa tamang paraan. Ang salaping ipinagkaloob ng Ama upang ibahagi sa iba ng may katarungan.


May aralin din na sa pananalita ay maaaring makasugat o ikasiya ng aking kausap. At naganap na nga ang isang pagbububukas ng isang damdamin upang ihayag ang kanyang saloobin. Dito ay naramdaman kong hindi na mahalaga ang sa akin ay may magdamdam maiparating ko lamang sa kinauukulan na sayang ang panahon at ito ay hindi na muling maibabalik. 


At nagtagumpay ako sapagka't ang isang nilalang ay gumawa ng kanyang hakbang. Batid ko namang nagkaroon ng pagkabigla subali't nauunawaan ko naman na ito ay mapag-iisipan at kanyang maiintindihan din. Sa ngayon ay madali na siyang kausapin at nagkaroon na rin ng pagtanggap, at ito ay ipinagpapasalamat ko sa Amang Banal. Kung hindi dahil sa pangyayari ay maaantig kaya ang mga damdamin?


Ngayon, ay nasabi ko sa aking mga bunso na kami ay dapat magpasalamat at huwag tangisan ang naganap sapagka't ito ay para sa amin, sapagka't sa pagkabukas ng mga damdaming natutulog marami pala kaming maaaring gawin na noon ay ipinagwawalang bahala. Mapalad kami sapagka't ito ay badya lamang at hindi pa ang tunay na kaganapan. Marami pa kaming maiisip na paraan upang mabuhay, magtulungan at mag-ibigan.


June 24, 1998


Kausap ko ang aking bunso ngayon gabi at hindi maiwasan na pag-usapan ang pangyayaring dumating sa amin. Maganda naman ang napag-usapan at nawala ang agam-agam sa aming mga puso at sumilay muli ang isang magandang umaga na punong-puno ng pag-asa. Maghigpit man ng sinturon ay madali pa ring mag-"adjust". 


Hindi maiwasan ang pag-usapan ang tungkol sa bahay at dito ay muling nabuksan ang isang yugto na nagpapahirap sa isang damdamin. Aking binalikan ang simula sapagka't karugtong ng ngayon at ng hinaharap. Sa mga sandaling ito ang karunungang panlaman ang kasangkapan ko upang isaisahin ang mga naganap at ano ang ituturo ng mga ito sa aking ngayon at bukas. At may isang magandang bagay akong nadiskubre.


Sa gabing ito, nagpapasalamat ako ng dumating ang tunay na liwanag, biglang dumating ang isang larawan ng mga dukha na nagmamay-ari ng buong Pilipinas sapagka't wala silang pinanghahawakan titulo ng lupa kung kaya at kahit saan sila ay humimpil at tumahan mayroon silang mapupuntahan na ang tangi lamang nilang suliranin ay kumain ng tatlong beses isang araw. Napaka simple ang pangangailangan kung kaya ang kaunting bagay na sa kanila ang kasiyahan at ibinibigay ay kanilang pasasalamat.


Sa isang banda, narito ang may hawak ng titulo ng lupa, kayod ng kayod upang i"maintain" ang lupang ito, ang bahay na nandito, ang ilaw, tubig, telepono at lahat upang sa huli ay hindi maging panatag ang loob sapagka't laging kulang at kulang ang kinikita upang itaguyod ang lahat ng mga ito. Sukdulang mapabayaan ang mga anak maitaguyod lamang ang magastos na mundo ng may 'pag-aari'.


Ang napakagandang aralin sa gabing ito ay masuri ko ang mga nakaraan kung bakit sa sunod-sunod na mga pangyayari, ano nga ba ang hantungan? Nakita ko ang isang magandang layunin ng Amang Banal para sa akin. Ang mga karanasan tungkol sa bahay at lupa ay sa maraming mukha ipinakita; magmula sa pagiging wala hanggang sa pagkakaroon, nang hindi lamang isang bahagi kung hindi tatlong bahagi na siyang naging kakulangan sa iba. 


Dito ko nakita na ang pagkahawak ko ng titulo sa tatlong bahagi ay hindi na mahalaga para sa aking sarili, maluwag na maaari ko itong ipamahagi sa mga kinauukulan kung kinakailangan. Ang titulo ay hindi mahalaga kung kaya at hindi dapat tangisan ang paglabag sa batas at karapatan ko bilang may-ari ng kapirasong lupa. Ipinakita sa aking harapan ang isang buhay na larawan kung paano ang isang nilikha ay nagdala ng bigat nang dahil sa kapirasong lupa na hanggang sa likod ng libingan ay kanyang binaon. Salamat sa kanyang pagmamahal at naghangad siyang iligtas ang isang nilikha na maaaring tahakin ang ganoon din karanasan at dito nakaakay na siya ng isang matitisod. Ibinigay ang aralin ng kanyang buhay upang ang iba ay matututo sapagka't sa mundo ng tao, maniniwala lamang hangga't nakita at ang hindi nakikita ay hindi pinaniniwalaan.


Ano ang ipinakita ng araling ito sa akin? Ang paghawak ng titulo ay may kanyang sariling layunin ang pamamahal ng pag-aari na nakasaad sa titulong ito ang siyang hindi mahalaga kung hindi paano ito mapakikinabangan ng iba. Tinatanggap ko ng maluwag sa kaloban na ang kapirasong lupa at ang bahay na dito nakatirik ay hindi sa akin kung hindi sa Amang Makapangyarihan na sa akin ay lumikha. Na ito ay hindi naging pag-aari nga aking mga magulang at mga kapatid sa laman. Lahat kami ay nakikitira at nakikigamit sa kayamanan ng iisang Diyos na makapangyarihan sa lahat.


Kasunod nito ay ang salapi sapagka't bahagi rin ng sanglibutan, ang nagpapagalaw sa isang may laman upang tumulong sa kanyang "survival". Kasunod na rin ang pag-aaral sa panglaman at lahat ng mga tinatahak ng isang kaluluwa ng katulad ko.


Sa mapalad na araw na ito ay maari ko nang sabihing, pagyayamanin ko ang biyayang tirahan na ito hindi para sa akin sarili lamang kung hindi para sa lahat ng dito ay makikinabang.


Pagyayamanin ko ang mga kaalaman na sagana sa alang-ang hindi para sa aking sarili lamang kung hindi para sa lahat nga dito ay makikinabang.


Sisikapin kong pagyamanin ang biyayang pinansiyal para sa aking kaginhawahan at dahil ang kaginhawahang ito hindi lamang ako ang makikinabang kung hindi ang lahat ay makikinabang dito nang naayon sa katuwiran at katarungan.


Sa pangalawang "stage" ng aking buhay na ang "influence" at "power" ng "number one"ay malaki, "I invoke the shadow of the power and potential of number 8" upang maibsang ang init na dulot ng number 1 upang maigawad ko sa aking mga kapwa ang compassion.


Salamat sa pagpapaalala sa akin na balikan ko ang pag-aaral sa mga numero sapagka't ito ay may malaking maitutulong sa aking ginaganap na pagsusumikap na makaahon sa kamangmangan at kababaan.


"I invoke the shadow of number six" upang magamit ko ang mga karunungang lihim kasabay ng karunungang panglaman na gagamitin ko nang may pag-ibig at may katarungan. Ito ay aking hinihiling upang maganap ko ang layunin ng aking pagkabuhay sa lupa hindi upang maghasik ng kaguluhan kung hindi maging kasangkapan ng kaliwanagan.


At dahil dito, lalo kong kinakailangan ang shadow ng number six upang ang kaunawaan (wisdom) ang siyang gumabay tungo sa aking ikapagbabago gayon din ang shadow ng number 8 na kinakailangan ko hanggang dumating ako sa pangatlong "stage" ng aking buhay patungo sa kababaang-loob at pagkakawanggawa nang may pag-ibig at katarungan. Nawa sa tulong ng maraming sa akin ay sumusubaybay maganap ko sa madaling hinaharap ang pagbabago na noon pa hinihingi ng aking kaluluwa.


Ako po ay nahiwatigan na mag-aral ng "computer" na noon pa dapat at ngayon ko lamang ginaganap. Amang Banal, kung ito po ang kaparaanan upang maisakatuparan ko ang aking mga balakin, ay matupad ang Iyong Kalooban. Kung hindi para sa akin, ay bigyan daan nawa ninyo na matunton ko ang aking kalalagyan sapagka't palipat lipat po naghahanap ng tamang pag-aaralan upang hindi masayang ang mga panahon. Nagkukulang na po sa panahon at ako ay hindi na bumabata, tulungan po Ninyo ako, Amang Banal sapagka't naipahiwatig din po sa akin noong nakaraang Miyerkules Santo na kung saan may dilim ay doon ako dadalhin samantalang ako sa aking sarili ay puno ng kababaan. Paano po kaya ako makakatulong?


Hindi na po bale at alam kong hindi naman Ninyo ako pababayaan sa pamamagitan ng mga Banal Ninyong alagad.



June 25, 1998


Sa umagang ito, may hindi pangkaraniwan na naganap at ang pinto aparador at ng pintuan ay kusang bumukas sa harapan ng aking kabiyak. Sa aking intuition, may mga nagmamahal sa aking kabiyak na gustong iparating na siya ay nag-aabuso sa kanyang katawan subalit takot namang mamatay. Maraming araw na hindi pumapasok sa opisina nang dahil lamang sa mga bisyo. Isang bagay ang biglang pumasok sa aking isipan, ito kaya ay nagbabadya ng muling pagkakasakit na noon ay ganito rin ang naganap bago siya nagkasakit na malala?


Sa mga kinauukulan, humihingi po ako ng paumahin sa mga haka sapagka't ganito ang tao kapag hindi maipaliwanag ang mga nagaganap. Salamat po kung maantig ang damdaming natutulog upang maiwasan ang karamdaman ng isang nagkukulang o ng mga nagkukulang na hindi ko po matalos kung kanino patungkol.