2023-09-15

2012 Q& A

2012-010 - Ano ang tinatawag na pag-ugnay o ang umu-ugnay?

Ang pag-ugnay ay ang kalagayan ng pagtanggap at pakiki-isa na maaaring mangyari sa mga nilikhang may buhay maging sa mga hayop man, sa mga kaibigan at kamag-anak, mga kamag-anak na lumisan na, mga espiritung nasa mataas na antas ng kawagasan (highly evolved spirits), mga bahagi ng ating pagkatao o kaya ay mga bahagi ng ating sarili na nasa mataas na antas na ating nakakaligtaan (I Am Presence). 

Kapag sinadya ang pakikipagniig o pakikipag-ugnay, ating pinalalawak at pinahahaba ang mga sandali na tayo ay nakikibahagi sa isang realidad ng isang likha (tao) at di-likha (espirito), isinaisangtabi natin ang ating sarili ay maki-isa sa isang espirito o nilikha sa isang pinahabang panahon o sandali.

Lahat tayo ay nakagagawa ng bibrasyon o tunog habang ang molekula sa  ating katawan ay gumagalaw sa ating kakaibang huwarang henetiko  (genetic pattern). At lahat ng mga nilikhang may buhay ay may kanya-kanyang prikwensya ng bibrasyon (vibrational frequency). Kapag tayo ay nakiki-ugnay at nakiki-isa sa ibang nilikha, ang ating kakaibang bibrasyon ay magkapanabay (synchronized) at tayo ay sabayang nagkakaroon ng bibrasyon.

Tignan rin: Batas ng Pababalani (Law of Attraction) 

 

Larawan sa Pangitain

Paa

Kamay

 

 

GLOSSARY

A
agam-agam - pagdududa, pag-aalinlangan

ambil - bukambibig, usal

antig - palala, pagunita, banggit, paramdam, pagpukaw sa natutulog na damdamin

atang - ipapasan sa balikat

B
bagabag - balisa, kabalisahan, pangamba, hilahil, ligalig

 
banay-banay - hinay-hinay, unit-unti


batlaya - kaluluwang lumaya sa katawang laman

bulaos, maibulaos-


K
kabatlayaan - ang mga nilikhang walang anyo, walang hugis na nasa mataas na antas ng kaliwanagan at karunungan na nagbibigay ng katuruan o aralin sa mga naririto,sa lupasa pamamgitan ng kasangkapan, talayatayan o medyum, mga banal na alagad ng Panginoon o ng Diyos Ama.

kagulumihanan - kabagabagan walang kapayapaan

kahinlog, hinlog - mga kamag-anak

kahungkagan - kakulangan

kasangkapan - talaytayan, medyum, isang tao o bagay na maaring maging daan at tagapamagitan sa dalawa o higit pang mga bagay

kintal, makintal, kakintalan - impresyon, ukit, marka, tanda

D

dampulayan - dampian

dapyo - dampi, dampulay

dapyuhan - dampian , dampulayan


M

maalam - marunong, nakababatid


N

naka-atang - nakapasan sa balikat

nagbubulid -
nag-uudyok, nagtutulak

natatarok
- nasusukat, nalilimi


P
pahatdan - mula sa salitang pahatiran or pahatidan

patak ng hamog ng dalangin - pag-uusal o pag-aambil ng dalangin,


S

sikhay

simpan, nasimpan

T

talaytayan - pagdaraan, paglalagos, pamamagitan

tao - isang batlayang gumagamitng katawang-laman

tataluntunin - tatahakin


U

umigting -maging mainit, maalab, magkabuklod


2022-12-31

Samot-Sari-2012-2022

2022-05-22

Kapayapaan at kaliwanagan sa bansang Pilipinas, sa sandaigdigan, magandang buhay po.

Misyonero isang tao na naghahandog na pagbabahagi sa umagang ito.


Sa buhay ng tao laging kaakibat ang isang pangarap, pagnanasa, adhikain na ibig niyang gawin, lakaran at matamo.

At ang mga ito ay kanyang tinitignan, nananampalataya na may magandang kinabukasan na sa kanya ay nakalaan.

Ang pangarap, adhikain ay tulad ng mga baitang ng hahakbangin, may ipagpapatuloy at mayroon huling baitang, ang hangganan na kanyang tutungtungan.

Ang pagnanasa naman ay siyang dahilan upang ang tao ay gawing, lakaran at tamuhin ang kanyang pangarap.  Ito ang nakabubuo ng lakas sa isang sarili dahil dito sumisibol ag pag-asa bagaman at hindi pa nakikita ang sa kanya ay magaganap.

Sa pagpapatuloy, pagsisikhayan  ng tao na sampahin ang unang baitang mula sa pinakamaliit at piakamababaw ng kakayahan.

Ang pangnanasang makatuntong sa unang baitang ang hagdang na siyang gigising, isang apoy upang itulak ang tao na makasampa sa iniinbig na mangyari, kaalinsabay na adhikain.

Sa kanyang pagsampa, ang tao binubuo ang kanyang pananalig " kaya ko ito, hindi ako pababayaan ng isang Amang Makapangyarihan" sapagkat ito ay dumating na sa kanyang kaunawaan at kamalayan.

Subalit sa pakikipamuhay sa lupa, dalawa ang larawang ibinibigay sa tao: ang karagatan at ang bundok.  Kapag payapa ang buhay, ang daloy ng tubig sa karagatan ay mahinahon at kapag naliligalig ang daloy ay nagiging marahas, malalaking alon.


Ang bundok ay sagisag ng pasaning dala-dala ng tao, makutim na kalooban, damdaming maligalig, bundok na kinakailangang maalis o ilipat sa kabilang ibayo ng  dagat.

Sino nga ba ang hindi magmimithi o asamin na ialais oilipat sa kabilang ibayo upang maibsan ang dala-dalahan?

Subalit paano magagawa ng tao ang pagbabago, paano gagaan ang pasanin? Hindi niya ito magagawa kung walang kaalaman at karungungang may pag-ibig.  Hindi rin baga siksik at liglig ang mga kaalamang lagi nang ibinababa sa karapan ng mga mag-aaral?  

Ang kaalaman at karunungan ay matagal ng naipagkaloob sa mga araling mula sa kabatlayaa.  Ang mga ito ay maliliit na butil na sa sandaling ito ay gamitin ng tao ay nagkakaroon ng lakas o kapangyarihan uupang ang bagay na namithi o inasam ay ilagay sa pagsasagawa.  Dito pumapasok ang mga araling itinuro ukol sa pananampalataya na siya ring sagisag ng paggawa.


Kapag ang pananampalataya ay walang buhay, ito ay walang kabuluhan sapgkat hind isinasagawa ag kaalamang matagan nang nasasa mga isipan nt mga tao


Nasaan ngayon ang kapangyarihan ng mailipat sa gaan ang bigat ng dala-dalahan?  Paano pupusag ang isang sarili, paano titindi mula sa pagkadapa?  Hindi gumigising.  Ano mga ba ang kasabiha ng  iba, yung "natutulog sa pansitan."

Kailangan iangat ang kamalayan magpakakatag, magpakalinis ayon sa kaalamang natutunan upang magtagumpay ang adhikain ng isang Espiritu



 

 


(Abotsabi 10-17-93- Propeta Uriel)

Bago sumapit ang takdang sandali ng inyong pakikipag-ugnay, nawa ay nasa sa inyong puso na ang inyong sariling paghihintay nawa ay malimutan na ninyo ang mumunting pagkakasala ng inyong mga kapatid, napatawad na ninyo ang sa inyo ay nagkasala, nabigyan na ninyo ng magandang pag-asa ang mga nalulungkot at nagdudusa, naging mabuti kayong kahinlog ng inyong mga kabiyak, naging mabubuting anak ng inyong mga magulang, lalong lalo na ang mga kabataan kung mayroon man kakulangan ang inyong layunin, samakatwid, kahit saan dadalhin mo sa iyong sarili sa isang likas at taimitm na pakikipag-ugnay sa kaitaasan.

 

2012-008 

Alam ba ninyo kung ano ang tinatawag na talaytayan?

Bahagi ng talaytayan ay ang kaangkinan ng isang kaluluwa. Ito ang mensahe. (Abotsabi 12/1/93 –Arkanghel Rafael) 

Ang isang talaytayan ay tagapamagitan ng kaitaasan at kalupaan. Mula sa Diyos, Espiritu at Katotohan. Ito ang daan upang ang diwa ay inu-ugnayan ng liwanag.

Ang diwa na may kalagayan ng napali at napanday na sa naunang buhay na dinaanan: bawa’t danasin ay karunungan at bawa’t karunungan ay tiisin. Ang paggamit ng puting roba ng mga talaytayan. Sa diwa, ang puting damit ay ang kalinisan ng pag-iisip, kadalisayan ng mithiin na maging kasangkapan na maging mabuti.

“Ang kay Caesar ay kay Caesar, ang sa Panginoon ay sa Panginoon.” Ito ay inu-ugnay sa talaytayan.

Ang anumang uri ng kulay ng damit ay walang kinalaman o saligan ng isang kaluluwa sapagka’t ito ay materyal lamang.

Kahalagahan ng talaytayan

Sa pamamagitan ng talaytayan ay nagkakaroon ng ugnayan ng diwa sa kapwa diwa, kabuuan ng pag-iisip, damdamin at kalooban. Kapag walang katahimikan, walang kapayapaan, at kung walang kapayapaan, walang katalinuhan.

Paghahanda

Hindi lamang isang araw bago tumupad ng tungkulin ang pagahahanda , kungdi sa buong sandali at kalagayan ng isang talaytayan. Ang mga suliranin at pagsubok, tiisin at pakikipag-ugnay. Paghahanda ng isang talaytayan ay sa pamamagitan ng paglilinis ng tatlong kaangkinan, pagpapadalisay pagpapakabuti sa kaugalian ay hindi isinasagawa sa isang araw lamang upang magkaroon ng pagsulong ang kanyang karapatan.

Bilang patotoo ng tungkulin ng mayroon ng mabigat na pananagutan  ng mga talayatayan ay isa sa mga haligi ng isang samahan. Katulad ng haligi ng isang tahanan na kapag ang haligi ay matatag, ang bahay ay matatag. Kung ito ay mahina ang bahay ay mahina rin.

Alalayan, bantayan ang mga talaytayan- ang bawa’t pagkakamali na inyong makita, bilang pag-ibig ibigay ninyo upang mapag-aralan at maituwid ng kanyang sarili. May nagbibigay at may tumatanggap mahalaga ang pagsisikap ng lahat upang hindi saktan ang damdamin, kung hindi upang siya ay itayo, pakinisin at patibayin.

Ang mga talaytayan ay kailangang maging maingat may mga bahagi ng karunungan na di kailangan agad na lulunukin sapagka’t kayo ay mabibilaukan. Dapat ito ay pinag-aaralang mabuti, tulad ng pagkain na kailangang nguyain upang maging pino.

Matutuhan ninyong ibigay ng buong buo ang inyong sarili na hindi magkukulang ang bahagi ng laman. “Ang lahat ay ibibigay, humiling ka sa Kanyang pagpapala.”

Natatakot ba kayong magutom? Ang tumutupad ng tungkulin ay hindi natatakot tumupad ng tungkulin o walang kinatatakutan. Ang nagbibigay ay may matatanggap, ang kailangan lamang ay hawakan ang kanyang sarili sapagka’t “hindi kayo nag-iisa, wala kayong magagawa kungdi ang makakapit sa puno ng ubas.”

Lahat ng iyan ay umiikott sa buhay kahapon, sa buhay ngayon, at sa hinaharap. Kailangan ang paghahanda kahapon, ngayon at sa hinaharap. Hawakan ang kabuuan upang huwag lumihis patungo sa daan ng kaliwanagan.

Ang mga nakikinig. Ang mga nakikinig ay may lakas na ibinibigay upang maging wasto at mapayapa ang kaisipan ng bawa’t isang nakikinig. Kung ibig tulungan ang isang gumaganap na talaytayan. Mag-ambil ng panalangin:

“Nawa ay masupil ng talaytayan ang katawang lupa sa sandali ng kanyangpagtupad.”

Na sa patanggap ng isang nakikinig ng karunungan ay itanong niya sa kanyang sarili, “saan ka dinala, sa kaliwanagan o sa isang ang kaliwanagan ay tinatakpan?”

 

 

2012-001 

Alam ba ninyo kung ano ang Kaluluwa?

Marami ang opinyon tungkol sa kaluluwa. Aking ibibigay ang iba at ibang pagkukuro upang buhat dito ay magkaroon ang bumabasa ng kanyang sariling pagsasaliksik at makabuo ng isang magandang larawan kung ano ang isang kaluluwa para sa kanya.

Ang kaluluwa ay siyang prinsipyong buhay ng katawang laman. Ang sabi ng iba, ang kaluluwa ay hindi sumibol sa kanyang sarili at mawawala rin kapag ang katawang laman ay mamatay. Ang wika ng mga taong naniniwala sa materyalismo ang kaluluwa ay kasanhian (effect) at hindi ang kadahilanan (cause).

Ang ibang panig ay nagsasabing ang kaluluwa ay siyang prinsipiyo ng karunungan, isang karunungang unibersal (universal agent) na kung saan lahat ng taong nilalang ay napagkalooban ng isang bahagi. Ayon sa kanila, sa buong uniberso ay mayroon lamang isang kaluluwa na siyang namamahagi ng talsik ng kanyang kaluluwa sa lahat ng mga nilalang na may talino, sa kanilang kabuhayan; ang bawat talsik na ito, sa kamatayan ng nilalang na iyon ay mabubuhay at babalik sa kanyang pinanggalingan at ito ay muling sasama sa kabuuan ng isang kaluluwa. Tulad ng isang ilog, na babalik sa dagat na kanyang pinagmula. Kaya nga sa kamatayan, ang paniniwala ay nawawala na ang pagkilala sa sarili. Ayon sa kanila, ang isang Pangkalahatang Kaluluwa (Universal Soul) ay ang Diyos at ang bawat nilikha ay may bahagi ng pagka-Diyos.

At sa pangkat ng Spiritualist naman, ang isang kaluluwa ay isang nilalang ng kabutihan (moral being) hiwalay at walang kaugnayan sa materya at ang kaluluwa na napapanatili ng kanyang indibiduwalidad sa kamatayan. Ang pagtanggap ng salitang “kaluluwa” ay siyang pangkalahatang tinatanggap sapagka’t bagaman at iba iba ang katawagan, ito pa rin ang tinutukoy sa isang nilalang na nabubuhay sa pagkamatay ng isang katawang-laman. At ang doktrinang ito ay siyang ginagamit sapagkat sila ay naniniwala na ang kaluluwa ang kadahilanan (cause) at hindi kasanhian (effect).

At dahil may tatlong pangkat na nagkakaiba sa kung ano ang kaluluwa, kung kaya at tatlo rin ang ibig ipakahulugan ayon sa katuruan kung kaya at upang matanggap ng higit na nakararami ang salitang “kaluluwa” ay tatawagin kong isang nilalang (being) na walang anyo at hugis at isang indibiduwal na nilalang (individual being) na nananahan sa atin, at walang kamatayan.

2022-12-16

Mga Sitas ng BNA

 

2022-12-16

1 Pedro 2:5-7

5 kayo rin naman, na gaya ng mga batong buhay, ay natatayong bahay na ukol sa espiritu, upang maging pagkasaserdoteng banal, upang maghandog ng mga hain na ukol sa espiritu, na nangakalulugod sa Dios sa pamamagitan ni Jesucristo.

6 Sapagka’t ito ang nilalaman ng kasulatan, Narito, aking inilalagay sa Sion ang isang batong panulok na pangulo, hirang mahalaga: At ng sumasampalataya sa kaniya ay hindi mapapahiya.

7 Sa inyo ngang nanganampalataya, siya’s mahalaga; datapwa’t sa hindi nangananampalataya, Ang batong itinakuwil ng nagsisipagtayo ng bahay Siyang naging pangulo sa panulok;

2 Timoteo 2:6-8

6 ng magsasaka na nagpapagal ay siyang kailangang unang makabahagi sa mga bunga.

7 Isipin mo ang sinasabi ko; sapagka’t bibigyan ka ng Panginoon ng pagkaunawa sa lahat ng mga bagay.

8 Alalahanin mo si Jesucristo na muling nabuhay sa mga patay, sa binhi ni DAvid, ayon sa aking ebanghelio:

2022-12-09

Juan 9:1-5

1 At sa pagdaraan niya, ay nakita niya ang isang lalaking bulg mula sa kanyang kapanganakan.

2 At tinanong sa kaniya ng kaniyang mga alagad, na nangagsasabi , Rabi, sino ang nagkasala, ang taong ito, o ang kanyang mga magulang, upang siya’y ipanganak na bulag?

3 Sumagot si Jesus, Hindi dahil sa ang  taong iyo’y nagkasala, ni ang kanyang mga magulang man: kungdi upang mahayag sa kaniya ang mga gawa ng Dios.

4 Kinakailangan nating gawin ang mga gawa niyaong nagsugo sa akin, samantalang araw: dumarating ang gabi, na walang taong makagagawa.

5 samantalang ako’y nasa sanglibutan, ako ang ilaw ng sanglibutan

1 Tesalonica 5:1-5

1 datapwa’t 

2022-06-23

Divine Light, Divine Life

 What does spiritual light mean?

In theology, divine light (also called divine radiance or divine refulgence) is an aspect of divine presence, specifically an unknown and mysterious ability of angels or human beings to express themselves communicatively through spiritual means, rather than through physical capacities.

Divine Life

Divine life is expressing health and vitality through me now.

This is my time to flourish in the life of God. I am filled with divine life and I focus my thoughts on this truth in these moments of thanksgiving.

I know completely and without doubt that divine life within me is stronger than any appearance of disease

I release any thought of illness knowing that I am being continually revitalized and energized by the presence of divine life within me.

I envision this life flowing through this life flowing through every cell of my being dong perfect work restoring and renewing my body.

My heart is content and my soul is at peace as I relax in complete oneness with divine healing life and return to the silence of prayer.

I am a Child of God

I am a Child of God, worthy of abundant living. I welcome my good.

I know I enter the season of prosperity, a season that in truth never ends.

How good it is to be a Child of God, a child of Divine Love and trust and abundance without end.

As God’s Child, I am heir to infinite goodness. I keep my heart positive and faith-filed and as I speak words of my prosperity I anticipate the fulfillment of my prayers.

This is a time for prosperity. This is a time for me to follow divine guidance, to use the divine ideas I receive in prayer and to open my arms to the rich and infinite supply that is coming to me. With a heart filled with gratitude, I once again enter the silence of prayer.

For everything there is a season, and a time for every matter under heaven”. Let us breathe a breath of thanks for this truth. As I draw this prayer experience to close, I will remember that blessings are following to me now and will continue to fill my life at the right time and in the right way.

It is not I, but the Christ within who does the work. For everything there is a season and a time for every matter under heaven. In the quiet of my soul, I commence with God and I am at peace.

This is my time of peace, and I begin now to quiet my mind and relax in the silence. Allis quiet here, my soul is the open door to the presence of God, the peace of God.

In this quiet place, i allow myself to become fully open to the presence of God. I begin to center myself in the presence of God, and I feel peace flowing through me like gentle breeze.

Yes, this is the time for peace and I let gentle peace fill my heart. I relax and flow with the peace that carries me into the silence of prayer.

My thoughts, words and actions are guided by God’s wisdom and grace.

For everything there is a season, and a time for every matter under heaven. I begin now to bring my thoughts to divine wisdom knowing that for every concern of my heart, there is an answer.

This is my time to open to God’s Light that shines within meas wisdom enfolds me as grace. Divine wisdom is mine. It guides my thoughts of positive ideas that keep me optimistic and confident. As I call upon divine wisdom within me, I choose helpful positive words that bless me and others.

God guides me to take actions that are constructive and that lead me to my highest good. I give thanks for the wisdom and grace of God that direct me in all I do as I return to the silence of prayer.

Divine life is expressing health and vanity through me now! I conclude my prayer time with “The Prayer for Protection.

The Light of God surrounds me, the Love of God enfolds me, the Power of God protects me. The presence of God, watches over me, Wherever I am, God Is.

2022-06-22

The Law of Divine oneness

We are all connected and all one acknowledging and recognizing connection we all share .  All life energy came from one Source.  We are all energy connected and affecting each other every moment.  If one thinks and believes, everyone is affected

2022-06-07

The Law of Fitness

Elias

I went merely into the spirit world and found my place just where the condition of my soul, in its harmony with Gods Laws and His Truths, fitted me for and determined that I should be placed.


The condition of soul determines the destiny of the spirit. No mere belief in self-righteousness, or the conviction that Ithe individualhave been specially favored by God to do His Work, or that I am closer to God and more deserving of His special Mercy and Favor, or that a special dispensation is exercised in my behalf, can ever place me in different surroundings or conditions or degrees of happiness from what the actual harmony of the qualities of my soul with the Laws of God, and the workings thereof, entitle me to.


The Law of Fitness works invariably and under all circumstances, and the conditions and qualities of the soul in the spirit world can never be hidden nor counterfeited. Then, it is seen face to face, and the law, in its application and effect, never makes a mistake so that the soul not having the fitness can enter into the Kingdom of Heaven by crying, Lord, Lord, did I not prophesy in Thy Name?”, etc

2020-07-04

Success, Eight Traits to

 

Your chances of succeeding at anything you attempt will entirely depend on you being:


A DREAMER who can visualize success by focusing more on what you want to happen than on what you fear may happen.

DISCIPLINED enough to set goals and priorities and devise plans – and flexible enough to change those plans when a new opportunity arises.

 

 

 

 

 

 

DEDICATED enough to know that success demand total commitment and contagious enthusiasm that motivate others.

DECISIVE enough to make decisions and to make them more quickly

DARING enough to risk, to welcome change and to view mistakes as a chance to learn

DEVOTED to a program of lifelong learning and self-improvement that finds you constantly learning new skills and developing new interests.

DEPENDABLE to a fault, always keeping promises to yourself and to others.

A DELEGATOR who knows that time is best spent on doing what you do best – not trying to do everything yourself.

 

2009-06-21

INSPIRATIONAL QUOTES

"The gem cannot be polished without friction, nor man perfected without trials."
… Confucius

"First say to yourself what you would be; and then do what you have to do."
… Epictetus

"There are no secrets to success it is the result of preparation, hard work, and learning from failure." …C. Powell

"You cannot escape the responsibility of tomorrow by evading it today."
… A. Lincoln

"If opportunity doesn't knock build a door." … Milton Berle.


"We must be the change we wish to see." … M. Gandhi

“Man’s only real security in this world is a reserve of knowledge,experience and ability."

"Success doesn't come to you,you go to it." … Marva Collins

“Opportunities are usually disguised as hard work,so most peopledon't recognize them." … Ann Landers

“Some people dream of success while others wake up and workhard at it." … Unknown Author

“We are what we repeatedly do. Excellence, then, is notan act, but a habit” … Aristotle.

“A journey of a thousand miles begins with a single step”… Confucius.

2007-10-31

PANALANGIN -LSNP

PANALANGIN BAGO UMALIS

DIYOS NA MAAWAIN, kaawaan po Ninyo, na sa paglakad kong ito ay maligtas ako sa ano mang pakikipag-alit, kasakunaan at pagkakasala at kahit manawari ay kalugdan ako ng sino mang aking nasang makaharap o makapulong at makamtan ko sa kanila ang aking nasang mabuti.

Patnubayan Ninyo ako, aking Mahal na Maestro at Mananakop, Mahal na Ina ng sangkatauhan, Mahal na Protektor, Mahal na Anghel na Tagatanod, at ibang mabubuting espiritung alagad ng Diyos sa paglakad kong ito upang ako ay malayo sa pakikipag-alit, kasakunaan at pagkakasala at gawin ninyong ako ay kagiliwan ng aking makakaharap at matamo ko sa kanila ang aking nasang mabuti.
Siya Nawa.


PANALANGIN PAGSAPIT SA PATUTUNGUHAN
Salamat po, O DIYOS NA MAAWAIN, aking Mahal na Maestro at Mananakop, Mahal na Protektor, Mahal na Anghel na Tagatanod, at ibang mga mabubuting espiritung alagad ng Diyos at pinatnubayan Ninyo ako ng Inyong pagkakandili hanggang makasapit ako ng maluwalhati dito, at maano nawa na maging karapat-dapat ako sa Inyong pagpapala.
Siya Nawa.



PANALANGIN BAGO MATULOG
Salamat po, O DIYOS NA MAAWAIN, at pinagkalooban Mo pa ako ng buhay at lakas hanggang sa gabing ito, at maano nawa ay bigyan Mo pa ako ng kaunting buhay at lakas at magamit ko nawa ito sa paglalahad ng mga banal Mo pong kautusan sa mga taong nasa kalabuan.

Ipag-adya Mo po ako sa pakikipag-alit, kasakunaan at pagkakasala; Patawarin po Ninyo ako sa aking mga kasalanan, at pinatatawad ko ang sino mang sa akin ay nagkasala.

Ipinakikipagtipan ko po sa Inyo, Diyos ko, na lalayuan ko at iiwan ang mga gawaing may kababaan at ang buhay kong nalalabi pa ay gagamitin ko sa pawang pag-ibig una ay sa Iyo at ikalawa ay sa aking mga kapwa tao.

Kaawaan Mo po na magkaroon ako sa tuwina ng maliwanag na isip upang madaig ko ang tukso, at mapanuto ako sa lahat ng aking alagatain.
Kawaan Mo po ang mga espritung hindi pa nagsisisi, nangaghihirap at nangangailan ng aking tulong na pagkalooban ng pag-asa, upang magsipagsisi, magsikap sa ikasusulong at magtamo na lalong kaginhawahan.

Salamat po sa Inyo, Mahal na Ina ng sangkatauhan, Mahal na Protektor, aking Mahal na Anghel na Tagatanod, at ibang mabubuting espiritung alagad ng Diyos, at ako ay inyong pinatnubayan sa lahat ng dako at sa tuwina, upang huwag akong madaya at malayo ako sa pakikipag-alit, pagkakasala at kasakunaan, at nawa ay ganito ang maghari sa akin sa bawa’t sandali at saan mang dako, at mapanuto ako sa lahat ng aking mabubuting alagatain.

Ilayo Ninyo ang aking kaluluwa sa mga espiritu na may kadiliman at gawin ninyong sa gabing ito ay kayo lamang ang aking makapulong at makintal nawa sa aking ala-ala ang Inyong mga Banal na Aral.

Tulungan Ninyo ako upang magkaroon ako ng lakas ng maiwan ko ang lahat ng aking hindi karapat-dapat na gawain at hilig ng katawan at maghari na lamang sa akin ang mabubuting mga isipan at damdamin at kahit manawari ay maging karapat-dapat naman alo sa Inyong pagpapala.
Siya Nawa.


PANALANGIN UPANG MALIGTAS SA HIBO NG MABABANG ESPIRITU

Sa ngalan ng AMANG MAKAPANGYARIHAN sa lahat, ang mga mababang espritu nawa ay lumayo sa akin at ang mga mabubuting espritu ay maging baluti ko laban sa kanila.

Mga mababang espiritu na nag-uudyok ng isipang hindi karapat-dapat sa mga tao; mga espiritung sinungaling at mapanglinlang, mapagbiro at nangliligalig sa mahinang isipan, itinatakwil ko kayo ng boong lakas ng aking kaluluwa at ipinipinid ko ang aking pandinig sa inyong hikayat. Nawa ay lumukob sa inyo ang awa ng Diyos.

Mga mabubuting espiritu na naging marapat na tumulong sa akin, bigyan ninyo ako ng lakas na mapaglabanan ko ang hinuhod ng mga mababang espiritu at ng tanglaw ng liwanag upang mahadlangan ang kanilang buktot na hangarin. Ilayo ninyo ako sa kayabangan at pagmamapuri, alisin ninyo sa aking puso ang pangingimbulo, ang poot, ang pagtatanim at ang lahat ng isipang laban sa kawanggawa.
Siya Nawa.

Juan 17
1 Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit ay sinabi niya, Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong anak upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak;
2 Gaya ng ibinigay mo sa kaniya ang kapamahalaan sa lahat ng laman, upang bigyan niya ng buhay na walang hanggan ang lahat ng ibinigay mo sa kaniya.
3 At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Diyos na tunay at siyang iyong sinugo, samakatuwid baga'y si Jesucristo.
4 Niluwalhati kita sa lupa, pagkaganap ko ng gawa na ipinagawa mo sa akin.
5 At ngayon Ama, luwalhatiin mo ako sa iyo rin ng kaluwalhatiang aking tinamo sa iyo bago ang sanglibutan ay naging gayon.
6 Ipinahayag ko ang iyong pangalan sa mga tao na ibinigay mo sa akin mula sa sanglibutan: sila'y iyo, at sila'y ibinigay mo sa akin; at tinupad nila ang iyong salita.
7 Ngayon ay nangakilala nila na ang lahat ng mga bagay na sa akin ay ibinigay mo ay mula sa iyo:
8 Sapagka't ang mga salitang sa akin ay ibinigay mo ay ibinigay ko sa kanila; at kanilang tinanggap, at nangakilala nilang tunay na nagbuhat ako sa iyo, at nagsipaniwalang ikaw ang nagsugo sa akin.
9 Idinadalangin ko sila: hindi ang sanglibutan ang idinadalangin ko, kungdi yaong mga sa akin ay ibinigay mo; sapagka't sila'y iyo:
10 At ang lahat ng mga bagay ay iyo, at ang mga iyo ay akin: at ako'y lumuluwalhati sa kanila.
11 At wala na ako sa sanglibutan, at ang mga ito ay nasa sanglibutan, at ako'y paririyan iyo. Amang Banal, ingatan mo sila sa iyong pangalan yaong mga ibinigay mo sa akin upang sila'y maging isa, na gaya naman natin.
12 Samantalang ako'y sumasa kanila, ay iningatan ko sila sa iyong pangalan yaong mga ibinigay mo sa akin: at sila'y binatayan ko, at isa man sa kanila'y walang napahamak , kungdi ang anak ng kapahamakan; upang matupad ang kasulatan.
13 Nguni't ngayon ay napaririyan ako sa iyo; at sinasalita ko ang mga bagay na ito sa sanglibutan, upang sila'y mangagtamo ng aking kagakalakang ganap sa kanila rin.
14 Ibinigay ko sa kanila ang iyong salita; at kinapootan sila ng sanglibutan, sapagka't hindi sila taga sanglibutan, gaya ko namang na hindi taga sanglibutan.
15 Hindi ko idinadalangin na alisin mo sila sa sanglibutan, kungdi ingatan mo sila mula sa masama.
16 Hindi sila taga sanglibutan na gaya ko naman na hindi taga sanglibutan.
17 Pakabanalin mo sila sa katotohanan: ang salita mo'y katotohanan.
18 Kung papaanong ako'y iyong sinugo sa sanglibutan, sila'y gayon ding sinusugo ko sa sanglibutan.
19 At dahil sa kanila'y pinabanal ko ang aking sarili, upang sila naman ay mangagpakabanal sa katotohanan.
20 Hindi lamang sila ang idinadalangin ko, kungdi sila rin naman na mga nagsisisampalataya sa akin sa pamamagitan ng kanilang salita;
21 Upang silang lahat ay maging isa; na gaya mo, Ama, sa akin, at ako ay sa iyo, na sila nama'y sumaatin: upang ang sanglibutan ay sumampalataya na ako ay sinugo mo.
22 At ang kaluwalhatiang sa aki'y ibinigay mo ay ibinigay ko sa kanila; upang sila'y maging isa, na gaya naman natin na iisa;
23 Ako'y sa kanila, at ikaw ay sa akin, upang sila'y malubos sa pagkakaisa; upang makilala ng sanglibutan na ikaw ang sa akin ay nagsugo, at sila'y iyong inibig, na gaya ko na inibig mo.
24 Ama, yaong mga ibinigay mo sa akin ay ibig kong kung saan ako naroroon, sila naman ay dumoong kasama ko, upang makita nila ang kaluwalhatian ko , na ibinigay mo sa akin: sapagka't ako'y iyong inibig bago natatag ang sanglibutan.
25 Oh Amang Banal, hindi ka nakikilala ng sanglibutan, nguni't nakikilala kita; at nakikilala ng mga ito na ikaw ang nagsugo sa akin;
26 At ipinakilala ko sa kanila ang iyong pangalan, at ipakikilala ko; upang ang pag-ibig na sa akin ay iniibig mo ay mapasa kanila, at ako ay sa kanila.

AMA NAMIN

Ama namin, sumasa langit Ka.
Sambahin ang ngalan Mo.
Mapasa-amin ang kaharian Mo.
Sundin ang loob Mo dito sa lupa para nang sa langit
Bigyan Mo kami ngayon,
na aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin Mo kami ng aming mga sala,
para nang pagpapatawad namin sa ma nagkakasala sa amin.
At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso,
at iadya Mo kami sa lahat ng masama.
Amen


PANALANGIN SA MGA YUMAO

Panginoong Makapangyarihan, maano nawa na ang iyo pong habag ay ilawit sa aming mga kapatid na lumisan na sa lupa.

Maano nawa na ang iyo pong ilaw ay magliwanag sa kanilang mga mata, hanguin mo po sila sa mga kadiliman, buksan mo po ang kanilang mga mata at pandinig!
Maano nawang ang Iyo pong mga alagad ay ligirin sila at sa kanila ay iparinig ang mga salita ng kapayapaan at pag-asa!

Panginoon, bagaman di po kami karapat-dapat ay nangahas kaming sumamo upang ang iyong kawaan at patawad mo ay ipagkaloob sa mga kapatid naming tinawag mo sa tapunang ito. Gawin mo pong matulad ang kanilang pagbabalik sa anak at na alisaga ng Banal na Kasulatan.

Ang katarungan mo ay hindi magmamaliw, nalalaman namin, ngunit ang pag-ibig mo naman ay walang hanggan. Isinasamo nga namin na padaluyin ang iyong katarungan diyan sa batis ng kaawaang nagmumula sa Iyo.

Maano nawa na ang ilaw ay magliwanag sa inyo mga kapatid ko na lumisan na sa lupa.
Maano nawang ang mga mabubuting Espiritu ng Panginoon ay sumainyong piling, ligirin kayo at tulungang magkalag ng mga tanikala ng kalupaan, alamin ninyo at malasin ang kadakilaan ng ating Panginoon. Sumailalim kayo ng walang tutol sa kaniyang katarungan, subalit kailanman ay huwag kayong mawawalan ng pag-asa sa kaniyang kaawaan.

Mga kapatid, ang isa nawang tapat ng pagpapamalas sa inyong nakaraan ay makapagpabukas ng pinto ng haharapin at maipatalos sa inyo ang mga nalalabi ninyo pang pagkukulang at ang mga gawaing kinakailangan upang inyong mapagbayaran.
Patawarin kayo nawa ng Diyos, alalayan kayo at bigyan sigla ng Kanyang mga Banal na Alagad! Ang inyong mga kapatid sa lupa’y idalangin kayo at idalangin ninyo naman kami sa Ama.


PANALANGIN SA SESION ESPESIYAL

Amang Banal, panaingahan Mo po ang aming mga dalanging nagmumulos sa aming mga labi ng walang pandaraya. Ama, tunghayan mo po kami, kahabagan Mo po kami, liwanagan Mo po ang isip namin sa tuwina at huwag ipahintulot na kami ay salakayin ng kamatayan ng hindi kami handa.

Ama, pinagsisihan po namin ang nagawa naming mga kasalanan at itinitipan sa Iyo na di na gagawing muli, bagkus ay aalisin pa ang nalalabi naming masasamang asal. Gagawin naming maging mababang loob at mapagkawang-gawa sa kapwa hanggang sa kaaway, bigyan mo po naman kami ng lakas ng loob at kaparaanang kinakailangan upang maisagawa namin ang banal na adhikaing ito.

Ama, kaawaan Mo po ang mga kapatid naming naliligaw ng landas, pinaghaharian ng mainit na simbuyo at kataasan na pagkalooban ng maliwanag na isip at kahinahunan upang magsipagbalik loob sa Iyo.

Kaawaan Mo po ang mga kapatid naming may mga karamdaman espiritista o hindi man, na pagkalooban ng madaling paggaling o ng kaginhawaan upang makapagpatuloy sa panatang pagpapakabuti ng walang liwag at makatulong sa pagpapalaganap ng mga Banal mong kautusan.

Kaawaan Mo po ang mga kapatid naming mga medium na pagkalooban ng tibay ng loob at lakas ng katawan, maliwanag na isip at payapang budhi, upang mangalayo sa di karapat-dapat tumangkilik; magsasamang tulad sa tunay na magkakapatid at makagampan ng buong kaluwalhatian ng kanilang mga tungkuling sinumpaan mula pa sa himpapawid.

Kaawaan Mo po ang mga espiritung hindi pa nagsisisi, nangaghihirap at nangangailangan pa ng aming tulong, ang aming mga naging magulang, anak, apo, kabiyak ng puso at kapatid; ang lahat ng aming kakapatid sa simulating ito, ang lahat naming naging kamag-anak, kaibigan, kakilala o hindi man; gayon din ang nangaputi ang buhay sa mga digmaan, sigwa, sakuna at katampalasanan ng kapwa; lalung-lalo na ang sa amin ay nagkasala at aming pinagkasalahan; na pagkaloobang lahat ng pag-asa at kalinawagan ng pag-iisip upang magtamo ng kaginhawahan.

Patnubayan Mo po sila Mahal na Maestro at Mananakop, Mahal na Ina ng Sangkatauhan, Mahal na Protektor at kayong mga espiritung mananangkilik, akayin Ninyo sila sa matuwid na landas at paratingin Ninyo sa kanila ang aming mabubuting adhikain upang sila ay matawagan ng pansin sa madaliang pagpapakabuti.

Kaawaan Mo po, Ama, na ang mga lagim na nagbababala ay makapagpalambot na sana sa matigas na puso naming mga tao na di na kailanganin pa ang pagkatuloy, nguni’t kung ito ang karapat-dapat mangyari ay matupad Ama ang kalooban Mo sa tuwina at huwag ang sa amin; bigyan Mo lamang kami ng maliwanag na isip at lakas ng loob upang mapagtiisan naming ng walang pagtutol ang ano mang uri ng kahirapan; nawa ay makapagmulat sa aming pagkatao ang mga salot na nagbabala, makapagpabanal sa aming tibukin ang pag-untag na ito ng panahon at makilala naming na ang katarungan Mo, O! Dakilang Ama ay lagi nang kalakip ang pag-ibig.

At sa pagtulog naming sa gabing ito ay kaawaan Mo po na malayo ang aming mga kaluluwa sa mga manghihibo; na makapulong lamang ang mga banal Mong alagad at makintal nawa sa aming ala-ala ang kanilang mabubuting payo.
Kaawaan mo po Ama, na mga kapatid na mga kabataan na magkaroon ng maliwanag na isip at kahinahunan lagi na. Matumpak sa lahat ng alagatain para sa ikabubuti ng lahat at ng sa gayon ay makatulong sa pagpapalaganap ng karunungan, pag-ibig at kapayapaan sa sangkatauhan.

Kaawaan mo po Ama ang pangulo ng aming pamahalaan at ang kaniyang mga katulong na pagkalooban ng maliwanag na isip upang ang mga alagatain para sa bayan; at kami namang mga mamamayan ay magkaroon nawa ng mabuting pagsasamahan at pag-tutulungan sa ikabubuti rin ng lahat.

Salamat po Ama at pinagkalooban Mo kami ng buhay at lakas hanggang sa mga sandaling ito at maano nawa na ang nalalabi naming buhay ay magamit namin sa pag-ibig sa iyo ng una at higit sa lahat, at sa pag-ibig sa aming kapwa tulad ng sa sarili.
Salamat sa inyo aming Maestro at Mananakop, Mahal na Ina ng Sangkatauhan, Mahal na Protektor at ibang mabubuting espiritung alagad ng Diyos at kami ay inyong pinatnubayan at maano nawa ay huwag Ninyo kaming pagsawaan, subaybayan kami sa lahat ng dako sa tuwina; ipaisip sa aming lagi ng aming ikalalayo sa pakikipag-alit, pagkakasala at kapahamakan, at kami naman ay maging masunurin sa mga banal na halimbawa at aral.

Maghari nawa sa lahat ng tao at sa aming magkakapatid at gayon din, sa loob at labas ng lunduyang ito sa aming kapaligiran at sa sangkatauhan ang mabuting pagsasamahan, kababaang-loob kapayapaan, pag-iibigan ngayon at magpakailan man.
Siya nawa.

JUAN 15

1 Ako ang tunay na puno ng ubas, at ang aking Ama ang magsasaka.
2 Ang bawa’t sanga na sa akin ay hindi nagbubunga, ay inaalis niya: at ang bawa’t sanga na nagbubunga ay nililinis niya, upang lalong magbunga.
3 Kayo ay malilinis na sa pamamagitan ng salita na sa inyo ay aking sinalita.
4 Kayo ay manatili sa akin, at ako ay sa inyo. Gaya ng sanga na di makapagbunga sa kaniyang sarili maliban na nakakabit sa puno; gayon din naman kayo, maliban na kayo ay manatili sa akin.
5 Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga: Ang nananatili sa akin, at ako ay sa kaniya, ay siyang nagbubunga ng marami: sapagka’t kung kayo ay hiwalay sa akin ay wala kayong magagawa.
6 Kung ang sinuman ay hindi manatili sa akin, ay siya ay matatapong katulad ng sanga, at matutuyo; at sila ay titipunin ng mga lalake, at mga ihahagis sa apoy, at mangasusunog.
7 Kung kayo ay magsipanatili sa akin, at ang mga salita ko ay magsipanatili sa inyo, ay hingin ninyo ang anumang inyong ibigin, at gagawin sa inyo.
8 Sa ganito ay lumuluwalhati ang aking Ama, na kayo ay magsipagbunga ng marami; at gayon kayo ay magiging aking mga alagad.
9 Kung paanong inibig ako ng Ama, ay gayon din naman iniibig ko kayo: magsipanatili kayo sa aking pag-ibig.
10 Kung tinupad ninyo ang aking mga utos, ay magsisipanahan kayo sa aking pag-ibig, gaya ng aking pagtupad sa mga utos ng aking Ama, at ako ay nananatili sa kaniyang pag-ibig.
11 Ang mga bagay na ito ay sinalita ko sa inyo, upang ang aking kagalakan ay mapasa inyo, at upang ang inyong kagalakan ay malubos.
12 Ito ang aking utos, na kayo ay mangag-ibigan sa isa at isa, na gaya ng pag-ibig ko sa inyo.
13 Walang may lalong dakilang pag-ibig kaysa rito, na ibigay ng isang tao ang kaniyang buhay dahil sa kanyang mga kaibigan.
14 Kayo ay aking mga kaibigan, kung gawin ninyo ang mga bagay na aking iniuutos sa inyo.
15 Hindi na kayo tatawaging mga alipin; sapagka’t hindi nalalaman ng alipin kung ano ang ginagawa ng kaniyang panginoon; nguni’t tinatawag ko kayong mga kaibigan; sapagka’t ang lahat ng mga bagay na narinig ko / sa aking Ama ay mga ipinakilala ko sa inyo.
16 Ako ay hindi ninyo hinirang, nguni’t kayo ay hinirang ko, at akin kayong inihalal, upang kayo ay magsiyaon at magsipagbunga, at upang manatili ang inyong bunga: upang ang anumang hingin sa Ama sa aking pangalan, ay maibigay sa inyo.
17 Ang mga bagay na ito ay iniuutos ko sa inyo, upang kayo ay mangag-ibigan sa isa at isa.
18 Kung kayo ay kinapupuotan ng sanglibutan, ay inyong talastas na ako muna ang kinapootan bago kayo
19 Kung kayo ay taga sanglibutan, ay iibigin ng sanglibutan ang kaniyang sarili: nguni’t sapagka’t kayo ay hindi taga sanglibutan, kungdi kayo ay hinirang ko sa sanglibutan, kaya napupuot sa inyo ang sanglibutan.
20 Alalahanin ninyo ang salitang sa inyo ay aking sinasabi. Ang alipin ay hindi dakila kaysa kaniyang panginoon. Kung ako ay kanilang pinag-usig, kayo man ay kanilang pag-uusigin din; kung tinupad nila ang aking salita, ang inyo man ay tutuparin din.
21 Datapwa’t ang lahat ng mga bagay na ito ay gagawin nila sa inyo dahil sa aking pangalan, sapagka’t hindi nila nakikilala ang sa akin ay nagsugo.
22 Kung hindi sana ako naparito at nagsalita sa kanila, ay hindi sila magkakaroon ng kasalanan: datapwa’t ngayon ay wala na silang madadahilan sa kanilang kasalanan.
23 Ang napupuot sa akin ay napupuot din naman sa aking Ama.
24 Kung ako sana ay hindi gumawa sa gitna nila ng mga gawang hindi ginawa ng sinumang iba, ay hindi sana sila nangagkaroon ng kasalanan: datapwa’t ngayon ay kanilang nangakita at kinapuotan nila ako at ang aking Ama.
25 Nguni’t nangyari ito, upang matupad ang salitang nasusulat sa kanilang kautusan. Ako ay kinapuotan nila na walang kadahilanan.
26 Datapwa’t pagparito ng Mang-aaliw, na aking susuguin sa inyo mula sa Ama, samakatwid baga ay ang Espiritu ng katotohanan, na nagbubuhat sa Ama, ay siyang magpapatotoo sa akin:
27 At kayo naman ay magpapatotoo, sapagka’t kayo ay nangakasama ko buhat pa nang una.







2000-12-31

Padg's -Collection -Samuel

 (July 21st, 1915 | Received by James Padgett)

 (SAMUEL, PROPHET OF THE OLD TESTAMENT)

 Samuel Recounts His Teaching and Experience When on Earth. He Explains That He Did Not Get the Divine Love Until Jesus Came to Earth.


I AM HERE. Samuel, the prophet of God of the Old Testament.

I am the same Samuel whom the woman of Endor called from the spirit
world to show Saul his doom. I come to you tonight as I came to her at that
time. Only my purpose is not the same, and I am not the same spirit in my
qualifications.


I am now a Christian and know what the Divine Love of the Father means, while then I did not. I was a spirit living in comparative happiness, existing in the consciousness that I had done my work on earth and was then enjoying the repose of the righteous; for, as we understood that word then, in both the mortal and spirit worlds, I was a righteous man.


I come to you tonight because I see that you have been chosen to do the great work of the Master, in his efforts to redeem mankind from their lives of sin and error, and to show them the Way by which they may partake of the Divine Nature of the Father and obtain immortality.


HOW MUCH MORE MANKIND ARE BLESSED NOW, AND
SPIRITS TOO, THAN THEY WERE WHEN I WAS A MORTAL, AND
FOR A LONG TIME AFTER I BECAME A SPIRIT. MY GOD THEN AND
YOUR GOD NOW ARE THE SAME, BUT HIS GREAT GIFT OF
DIVINE LOVE WAS NOT IN EXISTENCE THEN, AS IT IS NOW. SO,
YOU AND ALL OTHER MORTALS SHOULD REALIZE THE GREAT
PRIVILEGE YOU HAVE BECAUSE OF THIS GIFT AND THE GIFT OF
JESUS TO EXPLAIN AND SHOW THE WAY BY WHICH THAT LOVE
MAY BE OBTAINEDFREELY AND WITHOUT MENTAL EXERCISE
OF A HIGH ORDER, BUT BY MERELY THE LONGINGS AND
ASPIRATIONS OF THE SOUL IN ITS DESIRES TO BECOME A PART
OF THE FATHERS DIVINITY.


I TELL YOU THAT THE WAYS OF GOD ARE WONDERFUL AND
MYSTERIOUS. WHILE HIS PLANS MAY SEEM TO BE WORKING
SLOWLY TO US, YET, THEY ARE WORKING SURELY AND WILL BE
ACCOMPLISHED IN HIS OWN FULLNESS OF TIME.


I never knew that God was such a God of Love and Mercy while I was
on earth. He was our Jehovah and Ruler. He was a God of anger and
wrath, and a jealous God, as I thought, ever ready to punish those
whom He thought to be His enemies with massacre and death. I obeyed
Him and performed His Work, as I understood I should, more through fear
than through love. In fact, to me, love was never a weapon or instrument
to be used in bringing the disobedient Jew to a compliance with what we
thought was the Will of God.


In such a method of procuring obedience, the soul was never developed
and love was a minor factor in making the Jews obedient to the Father's
Requirements.

Our principal desires were for the success of our earthly undertakings.
And, when these were accomplished, we had no further use for our God,
except to keep Him in reserve for occasions that might arise when, as we
thought, we might need His Assistance.


I know that Moses commanded the Jews to love God with all their souls
and minds and strength, and many of them thought that they were doing so.
But, in reality, their love was limited by the extent of their desires for worldly
gain, and this I know; for, when they had succeeded in obtaining what they
wanted, they forgot to love God. Hence, we prophets were required so often
to instruct them, and we did call them so frequently to a recollection of God
and the danger they ran in forgetting Him and His Laws. But we seldom
attempted to have them recall Him through love, but nearly always through
threatenings and the portrayals of dire punishments that would be inflicted
upon them, should they continue to forget Him.


And thus it was that Saul sought my help and advice. He thought that not
only had God forsaken him but also that he had forsaken God. And he
expected the punishment that he thought would result from such neglect to
serve and obey God. And, as I was in the spirit world and probably very close
to God, he thought that I would exercise some influence and have the great
threatened calamity arrested. But he did not seek me through love of God,
but through fear of his enemies and dread that God would direct His wrath
upon him.


So, you see, fear was the ruling sentiment that actuated the Jews in my
time in their dealings with God. And when that fear was allayed or forgotten,
God was forgotten, and only remembered again when danger appeared. Of
course, there were many exceptions to this class of Jews, for there were some
who really loved God; and no fear of wrath or anger from Him formed
a part of their love.


So, you will see that the laws of Moses were not so much intended to
regulate the spiritual or soul part of the Jews, but to control them in their
dealings with one another in the practical affairs of life, and in their dealings
with the heathens and strangers.


The moral laws thus taught were taught for the purpose of making them
righteous between themselves. Then, as a consequence, so they thought, they
would be righteous towards God. But the great essential to make them one
with God, by obtaining the Divine Love, was missing, and never sought for.
It could not then be found because it did not exist then for mankind. 

I AM NOW A CHRISTIAN AND KNOW THAT THE DIVINE LOVE IS A REALITY, AND THAT ALL MEN MAY HAVE IT, IF THEY WILL ONLY SEEK FOR IT.


(Mr. Padgett asked a question.)

Well, the woman of Endor was not a witch and did not practice the black art. She was a good woman possessed of powers to call up the dead, as they were called. She did not engage in practices of doing harm to mortals, such as putting spells upon them or using charms, but she was a true medium.

 
And, while not possessed of much spirituality, yet, she was a woman of good
morals who had around her many spirits of the higher order, whose only
desires were to do good to mortals. She was the one who was careful to have no evil spirits come and communicate, and her powers with the higher ones were very great. Had she been of what you call the lower class of mediums,I never would have responded to her call. But she was in rapport with me and other spirits whose thoughts were turned to the higher things of the spirit world. Hence, she had no difficulty in having us appear for the consolation of help to mortals when she desired it.

I had instructed and advised Saul when he was alive. And after I became a spirit and he needed help, naturally, he would seek my advice. In those days, mediums were more numerous than most people suppose. And because of their being so common and of such different kinds, and the most of them engaging in necromancy and evil arts, strict laws were passed against their pursuing their calling or engaging in the practice of consulting spirits.


But not all were bad, and many of them did good in the world. And
among these latter was the woman of Endor, notwithstanding that she has
been so vilified and abused by the churches and preachers. You may be
surprised when I tell you that she is now living high up in the Celestial
Heavens, and is a redeemed spirit enjoying the Divine Love of God.

Your friend and brother, SAMUEL