AMBIL NG KAPAYAPAAN
Mula sa Abotsabi ng Dakilang Guro
Halaw sa katitikan ng Lupon Pamunuang Pangkalahatan Hulyo 21, 1968
(Kap. Trinidad Estrada)
“AMA namin, luwalhatiin mo nawa ang aming kaluluwa
AMA na makapangyarihan sa lahat,
itanglaw mo po sa aming diwa ang ilaw ng iyong kabatlayaan,
Ilawit mo po ang Iyong habag sa daigdig na ito na ngayon ay duguduguan.
Akayin mo po kami sa dako ng Iyong kaharian,
gisingin Mo po sa aming mga puso ang wagas na Pag-ibig
na siyang tanging daan patungo sa Iyo.
na siyang tanging daan patungo sa Iyo.
AMA, mahabag ka sa amin,
sa harap Mo po ay nadarama namin ang kapayapaan,
sa mga paanan Mo po ay naglalagus sa aming kaluluwa
ang kaligayahang walang hanggan.
sa harap Mo po ay nadarama namin ang kapayapaan,
sa mga paanan Mo po ay naglalagus sa aming kaluluwa
ang kaligayahang walang hanggan.
Maging mapayapa nawa ang buong daigdig!
Kapayapaan! Kapayapaan! Kapayapaan!
Kapayapaan! Kapayapaan! Kapayapaan!
Siya Nawa!
Mula sa Abotsabi ng Arkanghel Rafael
Hunyo 26, 1979
Kap. Erlina Balanova
PANALANGIN SA NAKA-AMBANG LAGIM
(9:00 ng gabi)
Dakilang Amang Makapangyarihan sa lahat,nalalaman po naming ang Inyong karunungan at kapangyarihan ay hindi nababawasan, subali’t Ama, mahina ang pananampalataya ng tao nguni’t malakas ang diwa at paggawa ng kamalian.
Ibaba mo po Ama ang iyong kapangyarihan na punong-puno ng pag-ibig at kaawaan sa sanlibutang ito. Huwag mong pabayaan na isa man sa kudlit na iyong ginawa sa daigdig na ito ay mapinsala. Nguni’t bakit kung ang punong kahoy ay kinakailangang alisan ng dahon upang mamunga, Ikaw Panginoon, ang masusunod sa lahat ng sandali.
Ama, itunghay Mo sa amin ang iyong paninging mayroong pagkahabag sa mga kamalian ng mga nilalang hindi lamang ng ibang tao kungdi sampu ng aming sarili. Ipatawad Mo kung ito na ang sandali upang tanggapin namin ang bunga ng aming kamalian at kami ay muling magkaroon ng lakas at matugunan namin ang aming mga pagkukulang sa aming mga kapwa.
(Itaas ang ninyo ang inyong mga palad, ihahasik ninyo ang pluwidong ibinababa sa inyong mga palad ng kabatlayaan, sabay ang mga katagang ito:)
Inihahatid naming sa lahat ng uri ng lagim na sa amin ay naka-amba, ang dakilang biyaya ng Ama. Sapagka’t nalalaman naming ang init ay kinakailangan ng lamig, at ang karahasan ay kinakailangan ng kahinahunan, humayo ka, isabog mo ang lagim na iyan hindi upang maminsala kung hindi maging pataba ng lahat ng bagay na inyong lalaganapan.
Sa ngalan ng AMA, at ng Dakilang Guro ng Sanglibutan tinatanggap namin ang basbas Mo, AMA, ngayon at magpakailanman!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento